BLOG POST # 5
SLAM POETRY
ANG AKING AMA
Noong ako'y bata pa
Nang iwan ako ng aking ama.
Labis na paghihinayang
Hindi ko namalayan na ang mga panahon ay nasayang.
Sa paglipas ng panahon,
Natutunan kong bumangon
Mga payo mula sa kaibigan,
Kasabay sa pananalangin sa ating Amang nasa kalangitan.
Mahirap mang isipin
Pero kailangan kong tanggapin
Na ang ama kong malambing,
Ay wala na sa aking piling.
Maraming katanungan
Ang pumasok sa aking isipan
Kung bakit nangyari pa ang pangyayaring iyon,
Pangyayaring hindi naayon sa panahon.
Maraming pangarap ang bumagsak
Dahil ang pamilya'y nawasak.
Pero pilit na bumabangon
Hanggang sa makaahon.
Napagtanto ko
Na iyon ay di peligro
Kundi isang karanasan,
Na kailangan kong maranasan.
Maraming pagbabago ang dumating sa buhay ko
Simula nung ako'y napalayo
Paniniwala ko noon, iba na sa paniniwala ko ngayon.
Ang dating ako noon, pilit na nagbabago ngayon.
Ang buhay kasi'y sadyang mapaglaro
Hindi natin alam kong saan ito patungo
Maaring kasiyahan, kagalakan, o katuwaan
Pero dapat nating tandaan, na pwede rin tayong masaktan.
Patawad ama ko sa pagkakasala
Dahil noon isa lamang akong ultimong bata.
Pero ngayon, lumaki akong dala ang iyong payo
Na sa kapwa at matatanda ay palaging nakayuko.
Hindi man kita kasama ngayon,
Laking pasasalamat ko pa rin sa ating Panginoon
Na ikaw ang aking naging ama
Ikaw lang at wala ng iba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento